m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Saturday, November 5, 2016

You Light my Fire (Part 11)

By: Lord Iris

Note: Hi there... Maraming nagrereklamo at konti ang update so I decided to make it longer by combining chapters. This story is full of drama pero bago ko kayo paiyakin sa next parts ay kilig muna para mas mahapdi hahahhahahah salamat sa mga nagbabasa. I hope you enjoy reading....

Kith POV

Pagkatapos akong ihatid ni Ray sa condo nakita ko na nandun na pala sa labas ng pintuan ko si Rogue at Kagura...

"Kanina pa ba kayo dito?".. tanong ko

lumingon muna sila sa akin at "kakarating lang namin".. sabay nilang sabi sakin..

pumasok na kami sa loob ng condo ko at nagsimula na sila mangulit sakin lalo na si Rogue...

"Kith?.. anong nangyari kanina?". Tanong ni Rogue

"Wala naman..masaya".. sagot ko

"Uy! Magkwento ka!". Malakas na sabi ni Kagura..

"Basta secret... memories na namin yun hahahah"..

"Andaya naman!".. sigaw ni Rogue

"Basta masaya ako ngayon kasi... kasama ko siya".. sagot ko

"Ang importante ngumingiti ka na ngayon ng hindi pilit".. sabi ni Kagura

Nagluto muna ako at puro kami kulitan... aalis na kasi si Rogue nakakalungkot tuloy... pagkatapos namin kumain at magkwentuhan humiga na kaming tatlo sa kama... malaki yung kama ko kasya kahit lima..  nasa gitna ako ni Rogue at Kagura...

"Kith... may problema ako". Sabi ni Rogue..

"Ha? Ano naman yun?".. nag-aalala kong tanong sa kanya..

"Tungkol sa fixed marriage ko".. malungkot niyang sabi...

"Baliw kasi yung papa mo!".. galit na sabi ni Kagura.

"Ayoko pang ikasal!".. nalulungkot niyang sabi...

"Rogue.. hindi ko alam kung paano kita matutulungan... ilang beses na namin kinausap ni Kith at ni Papa yung papa mo pero wala".. sabi ni Kagura..

"Sabihin mo lang kung ano ang dapat naming gawin... tutulungan ka namin" sabi ko..

"Handa ba kayong tulungan akong magtago?".. tanong ni Rogue

"Oo naman!!!". Sabi ko

"Matagal pa yun.. tsaka muna problemahin".. sabi ni Kagura

"Alam kong mag-aaway lang kami ni papa pero ayoko talagang ikasal".. malungkot na sabi ni Rogue

"Wag ka na mag-alala... kakausapin ko yung pamilya ng fiance mo".. sabi ko

"It's no use... maghahanap lang yung papa mo ng ibang pwede ipakasal".. sabi ni Kagura..

"Kaya nga... si papa talaga ang problema". Sabi ni Rogue

"Basta! Magtiwala ka samin... gagawa ako ng paraan".. sabi ko

Niyakap ako ni Rogue at "thank you talaga.. alam kong nandiyan lang kayo para sakin".. sabi niya.

"Matagal pa yun kaya... makaka-isip ako ng solusyon diyan". Sabi ko

"Eh bakit ako walang yakap?".. tanong ni kagura na nagtataray..

"Next time na! Si Kith ang malapit sakin ngayon eh".. sabi ni Rogue

"Minsan nga pinag-hihinalaan ko na kayo kahit nung mga bata pa tayo... Rogue mag-pinsan tayo pero si Kith pa ang sobrang close mo".. sabi ni Kagura

"Syempre lagi mo ako inaaway nung bata pa tayo kaya mas close ko si Kith na pinag-tatanggol ako". Sagot ni Rogue..

"Masyado ka kasing pasaway".. sabi ni Kagura..

"Tama na yan! Iba na lang ang pag-usapan natin baka mag-away pa uli kayo eh".. sabi ko

"Oo nga... ano naman ang pag-uusapan natin?".. tanong ni Rogue

"Love life". Sagot ko

"Jusko! wag nyo na akong tanungin alam nyo na kung bakit".. sabi ni Rogue

"Kith? Sino yung nagkakagusto sakin?" tanong ni Kagura

"Di pa ako sure kaya quiet muna ako". Sabi ko sa kanya..

"Sabihin mo na!" Demanding na pagkakasabi ni Kagura...

"Ayoko kasi di pa ako sigurado.. pag sure na ako sasabihin ko sayo... at isa pa baka magka-ilangan kayo".. sagot ko sa kanya

"Ewan ko sayo pa-suspense ka!". Sagot niya

"May crush ka na ba Kagura?".. tanong ni Rogue

"Wala pa!".. mabilis na sagot ni Kagura

"Eh kelan magkakaroon?".. tanong uli ni Rogue

"Di ko alam!"..

"Eh bakit gusto mong malaman kung bakit may nagkakagusto sayo?".. tanong ko sa kanya..

"Wala lang! Masama ba ma-curious".. sagot niya sa akin...

"Di ka naman pala interesadong malaman eh".. sabi ko

"Gusto ko lang malaman kung ano ang nagustuhan nun sakin".. malungkot niyang sagot

"Matalino ka naman.. kaya malalaman mo rin kung sino yung sinasabi ko".. sagot ko sa kanya

Tumitig lang siya sa akin... sigurado akong nag-iisip na siya..

"Kith di ako makatulog kiss mo ako".. sabi ni Rogue..

"Ay di pwede...baka magtampo si Ray". Sabi ko

"Taray! Kahit di kasama loyal pa din". Sabi ni Kagura..

"Eh sa cheeks mo lang naman ako kini-kiss diba?".. tanong ni Rogue..

"Sorry di na pwede...". Sabi ko..

"Sana lang ganyan din yun ka-loyal sayo Kith".. sabi ni Kagura

"Tingin ko naman ganun din siya".. sagot ko sa kanya..

"Pag niloko ka nun sabihin mo agad sa akin!".. bulalas ni Rogue..

"Pero alam nyo ba? yung picture ng crush ko na napulot ko sa park... nahanap ko na siya".. sabi ko

"Weh? Di nga? Kelan?".. tanong ni Rogue...

"Yun yung dahilan kaya nabakla ka diba?".. tanong ni Kagura..

"Yes! Ang guess what? Siya pala si Ray".. sagot ko

Natahimik sila pareho pero sandali lang yun "seryoso ka?".. tanong ni Rogue..

"Naman! Siya na nga nagsabi eh nakita niya kasi kanina yung picture".. sabi ko

"Totoo talaga? Kung ganun meant to be pala talaga kayo".. sabi ni Kagura..

"Siguro.. I think so..". Sagot ko

"Lahat ng relasyon may kakambal na problema... alam mo yan... sana makaya nyo pag dumating yun".. seryosong sabi ni Rogue..

"Alam mo naman na kakayanin ko lahat para sa taong mahal ko".. sagot ko sa kanya...

"Nakikita ko na seryoso si Raypaul... kilala ko na yun pati nga sila James".. sabi ni Kagura..

"Sayang Rogue.. aalis ka na... kung hindi ka lang sana aalis makikilala mo pa sila at sigurado akong magiging ka-close mo rin sila".. sabi ko

"Next time na lang pagbalik ko".. sagot sa akin ni Rogue..

"Hanapin mo na yung taong magpapasaya sayo!".. sigaw ni Kagura

"Paano? Eh masaya na siya sa iba".. sabi ni Rogue sabay titig sa akin..

Kinurot ko yung pisngi niya sabay sabi "mahahanap mo rin yun at susuportahan ka namin kahit anong mangyari".. sabi ko

"Di mo man lang ako binigyan ng chance".. malungkot na sabi ni Rogue

"Ano ka ba? Baby brother kita... bawal makipag-relasyon ang magkapatid".. sabi ko sa kanya..

"Pero di mo naman talaga ako..."..
di pa siya tapos magsalita pero inunahan ko na siya..

"Magkapatid tayo! Tayong tatlo ni Kagura diba?".. at tumango na lang siya sa akin...

Simula kasi ng mamatay ang kapatid ko... kay Rogue ko na binuhos lahat na pagmamahal ko bilang isang kuya kahit na mas matanda sa akin si Rogue ng dalawang taon bini-baby ko pa din siya nakakatuwa kasi...

"Alam mo Kith kung hindi lang tan yun skin mo lahat ng tao iisipin na magkapatid tayong tatlo pero mukha kayong mag-syota ni Rogue".. sabi ni Kagura sa akin...

"Inggit ka lang!".. sabi ni Rogue

"Sinisimulan mo ba ako?".. pagbabanta ni Kagura

"Tama na nga yan! Tulog na!".. sabi ko

"Alam mo Kith kung wala ka baka puro pasa at bugbog ang inabot niyan ni Rogue sa akin".. sabi ni Kagura

"Malas mo lang at love na love ako ni Kith hahahaa".. pang-aasar ni Rogue

"Siguro magkapatid talaga tayong tatlo noh?".. tanong ni Kagura..

"Malabo yan kasi magpinsan tayo".. natatawang sagot ni Rogue..

"Matulog na nga kayo... aalis ka pa bukas Rogue magpahinga ka na".. sabi ko

At nung matapos ang kulitan namin.. natulog na kaming magkakatabi sa kama... hanggang ngayon lagi pa rin nag-aasaran si Kagura at Rogue... di man ako sinwerte sa pamilya swerte naman ako sa kanilang dalawa....

Raypaul POV

Pagkatapos kong ihatid si Kith sa condo niya umuwi na kaagad ako sa apartment ko... nakakapagtaka lang kasi hindi naka-lock yung pintuan pero sure ako na ni-lock ko yun kanina bago ako umalis....

Pagbukas ko ng pintuan... bigla na lang may nagsalita pero di ko makita dahil napakadilim...

"Naka-uwi ka na pala! Kanina pa kita inaantay dito".. sabi nito

Binuksan ko ang ilaw at nakita kong nakaupo sa kama si Alexa...
"Paano ka nakapasok dito?"..

"Nakalimutan mo na ba kami ang supplier ng locksmith sa bansa... mga susi, kandado, doorknob etc. etc.".. sabi nito habang palapit sa akin..

"at bakit nandito ka?".. maangas kong tanong sa kanya..

"Di mo man lang ba ako na-miss?".. tanong nito..

"Ayoko nang makita ka!".. sagot ko

"Ang sakit naman nun...".. sagot niya

"Mas masakit nung iniwan mo ako!".

"Kaya nga nandito ako para ayusin ang meron sa atin".. sabi niya

"Matagal na tayong wala Alexa kaya itigil mo na to".. sabi ko

"Pinagsisisihan ko na pinagpalit kita... niloko lang niya ako"... naiiyak niyang pagkakasabi..

"Lumayo ka na sakin! Kalimutan mo na ako! Ayoko na sayo!"..

"pero mahal kita...". Sabi niya habang tuloy-tuloy ang pagluha...

"Wag ka na umiyak kalimutan mo na lang ako"... mahinahon kong sabi dahil ayoko din naman na umiiyak siya..

"Dahil ba sa baklang yun ha!!! Kaya itatapon mo lahat ng pinag-samahan natin!!!".. sigaw niya habang umiiyak.

"Mahal ko siya!!! At ikaw ang naunang magtapon ng pinag-samahan natin!!". Sabi ko

"Ganun na lang lahat! Naging masaya ka naman sa akin diba? Pangako pag naging tayo ulit di na kita lolokohin papaligayahin kita araw-araw"..

"Tumigil ka na! Para kang di babae, nasaan ang kahihiyan mo?"..

"Para namang hindi ka nag-enjoy sa nangyayari satin dati... babae ako at di ka niya mabibigyan ng anak... nasasarapan ka pa nga sa akin noon".

"Noon yun! At wala akong pakialam kung hindi kami magkaka-anak! Siya lang ang mahal ko kaya umalis ka na".

"FINE!!!! Pero ito ang tatandaan mo! akin ka lang!!! Akin ka lang!!! Sisirain ko kayo!!!! Guguluhin ko ang buhay niya!!! Tandaan mo yan".. sigaw niya na halos lumabas ang mga ugat niya sa leeg...

"Subukan mo lang na saktan siya! Baka makalimutan ko na babae ka!". Pagbabanta ko...

"Ang baboy nyo!!! Lalake sa lalake NAKAKADIRI"...

"Wala akong pakialam sayo!".

"Hindi kayo magiging masaya!"... sabi niya

"Talaga lang? Eh kanina nga ang saya-saya namin eh at siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganun kasayang moment sa buhay ko".. sagot ko sa kanya...

"Balang araw magiging akin ka din tandaan mo yan!!! Babalikan ko kayo! Sisirain ko kayong dalawa!!!".. sigaw niya paalis habang umiiyak sabay dabog ng pintuan...

Kilala ko siya kaya natatakot ako para kay Kith... pero kahit anong mangyari poprotektahan ko siya... kilala ko si Alexa lagi niya nakukuha lahat ng gusto niya... at kapag hindi niya makuha ang gusto niya dinadaan niya sa karahasan... hindi ko tuloy maisip kung anong dahilan at nagkagusto ako sa babaeng yun....

Kith POV

Kinabukasan bago kami pumasok ni Kagura ng sabay sa school nakaramdam ako ng kaunting lungkot kasi bago kami umalis... nagpaalam na si Rogue na aalis na siya... sayang lang kasi masyadong maikli ang isang linggo...

Sa school.....

Lunch break namin ngayon kaya nasa canteen kaming lahat at nagtataka lang ako kasi parang may mali... bakit parang may malalim na iniisip si Raypaul? May nangyari kaya sa kanya na di ko alam? Paano ko kaya itatanong sa kanya? Naku! Kailangan ko umisip ng paraan para i-approach siya mamaya....

"Ray? May iniisip ka ba?".. tanong ko

"Wala naman".. mahina niyang sagot

"Diba? Ayaw mo ng may sikreto tayo?". Tanong ko uli sa kanya

Natahimik lang siya at parang sobrang lalim ng iniisip niya

"Sige mamaya mo na lang yan sabihin sakin kung di ka pa ready".. sabi ko pero di pa rin siya nagsasalita

"May LQ ba kayo?".. tanong ni Peter

"Ewan ko diyan..". Sabay nguso ko kay Ray pero di pa rin siya umiimik

"Sige ka Raypaul baka mamaya pag nagtampo yan sayo si Kith di ka niyan pansinin".. sabi ni James.

"Wag mo na lang ako alalahanin ngayon... Ok lang ako... sasabihin ko na lang mamaya".. sabi ni Ray pero nakatingin pa rin siya sa ibaba niya

"Dadamayan ka naman namin diyan sa iniisip mo eh".. sabi ni Dennis

Nag-aalala na ako kasi parang mali talaga... antahimik pa rin ni Ray... sigurado ako na malaki ang iniisip niya at ayokong nalulungkot siya... di ko na rin tuloy maiwasan na tumahimik at tingnan na lang siya...

"Umalis na pala si Rogue kanina".. sabi ni Kagura

"Sayang naman! Di man lang natin siya naging ka-close".. sabi ni Peter

"Next time na lang daw pag bumalik uli siya dito".. sagot ni Kagura

"Mukha naman siyang mabait".. sabi ni Dennis..

"Oo! Pero kay Kith lang yata kasi di maiwasan na asarin niya ako".. sabi ni Kagura...

Natapos na ang lunch at pumasok na kami sa iba't-ibang room kaso sobrang tahimik pa rin ni Ray kaya mas lalo akong kinakabahan kung ano ang problema niya kaya tumitingin lang ako sa kanya at di na rin ako umiimik...

"Kith? May problema ba kayo?". Pabulong na tanong sakin ni vincent habang nagka-klase...

"Di ko alam sa kanya kung ano ang iniisip niya ngayon".. sagot ko

"Mukhang seryoso kasi... bibihira lang yan tumahimik".. sabi ni Vincent

"Ano nang gagawin ko?".. tanong ko uli sa kanya..

"Hayaan mo siya.. pag kayo na lang dalawa tsaka mo siya tanungin".. pabulong niyang sagot..

"Hahanap na lang ako ng tyempo".. sagot ko sa kanya at ng thumbs up na lang siya tanda ng pagsang-ayon...

"Puro kayo tsismisan diyan... baka mamaya mapansin kayo".. mahinang pagkakasabi ni Kagura kaya nabaling na lang ang atensyon namin sa nagsasalita sa harapan...

Bago mag uwian....

"Guys!!! Ilang araw na lang bakasyon na... anong gagawin natin?".. tanong ni Vincent...

"Ice skating kaya tayo?".. tanong ni James

"Nagawa na natin yan eh".. sabi naman ni Dennis..

"Anu kaya kung.... sky diving".. sabi naman ni Kagura

"Di pwede!!!".. sabi ni James na parang natatakot kaya natatawa si Kagura...

"Bakit di tayo mag-isip ng memorable".. sabi ni dennis..

"Ano kaya kung bakasyon talaga".. sabi ni Vincent..

"Ano naman iyang sinasabi mo eh bakasyon naman talaga".. sabi ni Peter

"I mean... beach resort or camping".. sagot ni Vincent

"Ayoko ng camping!".. sabi ni Dennis

"Ayoko din! Baka kung sino pa katabi ko sa tent".. sabi ni Kagura

"Edi mag-solo ka sa tent".. sabi ni James

"Ayoko din ng camping baka kasi may mga wild animals at close to accident tayo kapag nag-camping".. sabi naman ni Peter..

"Edi kung ganun... beach resort tayo".. sabi ni Vincent..

"Baka mangitim ako pero gusto ko yan".. sabi ni Kagura

"Ako din game ako... madaming chicababes sa resort".. sabi naman ni James..

"Puro ka harot diyan James... pero masaya sa beach resort payag din ako". Sabi naman ni Peter...

"Ilang araw naman tayo dun?".. tanong ni Kagura

"Gusto nyo 1 week?".. tanong ni Vincent

"Ayoko nga! Aalis kami ng family ko". Sabi ni James...

"Edi 2 nights and 3 days... ano payag ba kayong lahat?".. tanong ni Dennis

"Pabor sa akin yun".. sabi ni Kagura

"Ok lang sakin".. sabi ni James

"Medyo maikli pero Ok sa akin".. sagot naman ni Vincent...

"Uy teka! Ano to? Kami-kami lang magpaplano?".. tanong ni James

"Kanina pa kayo tahimik dalawa".. sabi ni Kagura kaya tumingin silang lahat sa amin ni Ray...

"Teka nga! Kith? Raypaul? ano ba ang problema nyong dalawa?".. tanong ni Dennis sa amin..

Ayoko munang umimik hangga't di pa nagsasalita si Ray... kasi naman nag-aalala na ako parang anlaki-laki ng problema niya sa buhay ngayon...

"Nag-aaway na ba kayo? May cold war ba na nagaganap ha?".. tanong ni Peter...

"Si Raypaul kasi kanina pa tahimik... nahawa tuloy si Kith"... sabi ni Vincent..

"Ayos lang ako... wag nyo na ako intindihin".. sabi ni Ray

"Anong ayos? Eh kanina ka pa tahimik at wag ka na magsinungaling".. sabi ni Dennis

"Ano ba kasi yun ha?".. tanong ni Kagura kay Ray..

Di na naman umiimik si Ray at nag-aala ako lalo na medyo naiinis na kasi naman naguguluhan na ako kung ano ba ang pinoproblema niya tapos sasabihin niya wala... eh halatang-halata naman na may iniisip siya...

"Ikaw Kith? Bat nanahimik ka na din eh kanina lang active ka pa".. sabi ni Peter habang nakatitig sa akin...

"OK lang ako at aayusin ko to mamaya".. sabi ko sabay tingin kay Ray...

"Kung LQ yan... di na kami mangingialam pero kung seryosong problema... aba sabihin nyo samin!".. sabi ni Kagura...

"Naku Raypaul! Kung nag-iinarte ka lang tumigil ka na baka mamaya mainis si Kith sa ugali mo".. sabi ni James..

"Di ako nag-iinarte".. sagot ni Ray

"Sige na guys mauna na ako... nandiyan na yung driver namin".. sabi ni Kagura habang papalayo sa amin...

"Uuwi na din ako".. mahinang sabi ni Raypaul...

Ayokong matulog ng ganito... gusto kong linawin lahat sa kanya kaya nung maglalakad na siya hinatak ko yung kamay niya paalis halatang nagulat siya sa ginawa ko... dadalhin ko siya sa condo para dun kami mag-usap pero kahit nasa biyahe kami di pa rin siya kumikibo hanggang sa makarating na kami at ni-lock ko na yung pintuan...

"Wala ng tao...sasabihin mo ba sakin o hindi?".. tanong ko kay Ray..

"Ano kasi...".. sabi niya ng matagal habang nag-iisip ng isasagot..

"Akala ko ba walang sikreto eh sa ginagawa mo pinag-aalala mo ako".. sabi ko sa kanya...

"Sorry...".. yun na lang ang naisagot niya sa akin...

"Anong sorry? Di ko kailangan nun... sabihin mo na kasi!".. sabi ko

"Pwedeng next time na lang".. sabi ni Ray..

"Sige... pero next time mo na lang din ako kausapin kung yan ang gusto mo".. sabi ko

"Wag namang ganun Kith".. sagot niya

"Eh paano kita pagkakatiwalaan niyan kung sa isang sikreto o problema na obvious naman sayo di mo pa magawang sabihin kahit sa akin lang"... sabi ko uli sa kanya..

"Sige sasabihin ko na...."..

"Bilisan mo kinakabahan ako"..

"Pag uwi ko kasi kagabi pagkatapos natin mag-date.... nandun sa bahay si Alexa...".. sabi niya na kinakabahan

"Ha? Ano? Anong ginawa nyo?!!".. tanong ko sa kanya pero parang napalakas yata ang boses ko...

"Wala kaming ginawa... alam mo naman na loyal ako sayo".. sabi niya at nakikita ko naman na totoo yun dahil sincere siya...

"Eh bakit siya nandun?".. tanong ko ulit..

"Sabi niya mahal niya pa ako... at sisirain niya ang relasyon natin".. nalulungkot niyang sabi...

"At papayag ka naman sa gusto niya?" Tanong ko uli sa kanya...

"Syempre hindi!".. mabilis niyang sagot...

"Eh anong iniisip mo?"..

"Pinag-bantaan niya kasi ako na guguluhin ka niya".. sabi ni Ray

"Ano ngayun?"..

"Kith naman! Syempre natatakot ako para sayo... marami siyang pwedeng gawin kaya di ko alam kung anong gagawin ko... ayokong mawala ka pa sa akin"... sabi niya.

"Tingin mo ba kaya niya tayong paghiwalayin ha?".. tanong ko

"Baka kung anong gawin niya sayo... yun ang kinakatakot ko baka kasi sirain niya yung pagkatao mo... kilala ko yung babaeng yun"... sabi ni Ray

"Matagal na akong nawasak Ray... ikaw na lang ang meron sa akin at tingin mo ba di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko"...

"Alam ko naman yun pero syempre natatakot pa din ako"... sabi niya

"Yun lang ba ang iniisip mo o meron ka pang dapat sabihin?".. tanong ko

"Oo yun lang... sorry ngayon ko lang sinabi".. sagot niya..

"Diba sabi ko ayoko ng naglilihim sa akin... kasi alam mo ang mga lihiman ang sumisira sa relasyon ng dalawang tao... nawawalan sila ng tiwala sa isa't-isa"... sabi ko habang lumalapit sa kanya pero paatras naman siya..

"Kith? Anong gagawin mo sakin?".. natatakot niyang tanong...

"Diba sabi ko may Love Punishment ang lalabag sa napagkasunduan nating dalawa?".. tanong ko sa kanya

"A...nong ga..gawin mo..??".. nauutal niyang tanong sa akin..

Ang totoo di ko alam kung anong gagawin ko pero buti na lang at naalala ko na malakas pala ang kiliti niya hahahaha...

Kiniliti ko na siya sa magkabilang gilid hanggang sa di na siya makagalaw at nakahiga na lang sa kama... di ko siya tinitigilan sinundot ko yung leeg niya pati batok, giliran at singit...

"Kith!!!!! Aaaaahhhh!!! Tama na!!". Sigaw niya pero ayoko pang tumigil nakukulangan pa ako...

Naluluha na siya sa kakatawa pero gusto ko pa at mukhang hinang-hina na si Ray pero pumatong ako sa kanya para di na siya makagalaw at kiniliti ko pa rin siya...

Kaya lang nakabawi siya ng lakas... hinawakan niya ang magkabila kong mga kamay at umikot siya kaya siya naman ang nakapatong sa akin... nilapit niya ang mukha niya sa akin at ako naman ang di makagalaw... patay na ako...

"Diba sabi ko tama na? Eh kung gawin ko rin kaya sayo".. sabi niya habang nakatitig sa mata ko..

"At bakit naman? Wala naman akong nilabag sa napagkasunduan natin?"..

"Suntukin kita diyan eh!".. sabi niya

"Ano??? Sasaktan mo na ako!!!".. malakas kong sigaw sa kanya..

"Oo! Susuntukin kita gamit ang mga labi ko hahahh"...

At bigla na lang niya akong pinaghahalikan sa leeg at kili-kili... walang hiya pag minamalas ka nga naman at duon pa ang kiliti ko...

"Ray!!!! Tama na!!! Maawa ka sakin"..

At sa kasamaang palad mukhang nakarma ako kasi wala na siyang naririnig... nakahawak siya sa dalawa kong kamay habang nakataas ito.. di na ako makapalag kasi nanghihina ako sa kakatawa...

Pero parang nag-iba ang halik niya sa leeg ko... nakikiliti ako pero parang nag-iinit ang katawan ko...

"Aaahhh!!! Ray tama na please!!!" Napa-ungol kong sabi sa kanya..

Bigla siyang tumigil at tumitig sa akin pero nakita ko na biglang nanlaki yung mga mata niya... bumitiw na siya sa akin at humiga na lang sa tabi ko.... hinang-hina ako kaya di pa ako makagalaw

"kith... sorry...".. mahina niyang sabi

"Basta wag ka nang maglilihim uli".. sagot ko naman sa kanya...

"Promise di na mauulit"..

"Edi kung ganun wala tayong magiging problema niyan".. sabi ko

"Kith sorry uli...".. nahihiya niyang sabi sa akin at namumula na siya..

"Hmmm???? Para saan naman eh diba nag-sorry ka na sa akin?"..

"Kasi ano....".. nahihiya niyang sabi

"Ano????". Tanong ko

"Nalagyan kita ng kiss mark sa leeg".

Biglang nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya... di ko alam pero parang bumalik bigla yung lakas ko at tumakbo ako papunta sa salamin...

"Hala!!!! Ang laki!!!".. bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa malaking kiss mark na nilagay niya..

Pumunta na ako pabalik sa kanya pero nagtakip na siya ng kumot sa mukha..

"Sorry sorry di ko sadya".. sabi niya habang nakatakip ang mukha sa kumot...

"Grabe ka! Wag mo na to uulitin!".. sigaw ko...

"Promise di na po mauulit... nadala lang ako kanina".. sabi ni Ray na parang bata...

Tumabi ako sa kanya at niyakap ko na lang siya ng mahigpit...
"Kahit ganyan ka mahal kita".. sabi ko

Tinanggal na niya ang kumot sa mukha niya pero namumula na siya
"Thank you Kith".. sagot niya...

"Umayos ka ha? Dahil marami ka pang dapat matutunan".. sabi ko

"Basta kahit anong mangyari di mo ako iiwan ha?".. tanong niya sakin

"Syempre basta di ka magbabago sa pagmamahal mo sakin".. sagot ko

"Mas minahal na kita ngayon... at alam ko na mas mamahalin kita habang tumatagal tayo".. sagot niya

Kith POV

Bakasyon na kaya napag-planuhan naming magkakaibigan na magbakasyon sa isang beach resort. Maganda dito at tahimik, meron ding mga tao pero konti lang, kulay asul ang tubig at yung white sand na parang pulbos arrgghh I think it is a paradise to me...

"Wow! I don't know na may ganito pala kagandang lugar dito sa pinas". Sabi ni James

"it is totally a paradise".. namamanghang sabi ni Kagura

"Paano mo nalaman ang beach resort na ito vincent?". Tanong ni Peter

"Nakita ko lang to sa broshure at medyo malapit to sa bahay namin dito sa probinsya".. sagot ni vincent

"So paano? Mag-check in na tayo ng mga rooms natin?". Tanong ni Ray

Medyo may kamahalan ang mga rooms dito Jusko! 3 days and 2 nights lang. Ayoko nang sabihin yung presyo pero afford ko naman kaya nag-plano na kami kung sino ang magkasama sa isang room.

"Kami na ni vincent sa isang room". Sabi ni Dennis

"Alam nyong solo ako sa room". Sabi ni Kagura na mukhang ayaw magpasama sa iba.

"magkasama kami ni peter". Sabi ni james

"lam mo na ibig-sabihin niyan Kith?" Tanong ni Ray pero di na ako sumagot

"Ayan ha! Baka may kababalaghan kayong gawin kasi wala na si tito at tita dito sa resort". Sabi ni James

"Uy! Di ako ganun noh!" Sagot ko

"Alam namin pero si Raypaul tsk tsk". Sabi ni Dennis kaya napatitig na lang ako kay Ray.

"Ano? Bat ganyan ka makatingin?". Tanong ni Ray sa akin

"Wala lang gusto lang kita tingnan". Sabi ko sa kanya

"Wew! May iniisip ka noh?". Natatawa niyang tanong sakin.

"Eh bakit tumatawa ka?". Tanong ko

"Wala lang, masyado ka kasing pabebe sakin". Sabi ni Ray

Tumawa silang lahat exept ako.
"Pabebe ako? Bakit?". Tanong ko

"Di ka naman pabebe kith ang totoo pa-virgin ka".. sabi ni James kaya feeling ko namumula ako.

"Eh bakit? Virgin pa naman ako ah!". Sagot ko

"Mga laspag na kasi kayo!". Sabi ni Kagura sabay irap ng mata.

"Wow naman! Grabe mukhang mahihirapan ka dito Ray". Sabi ni pit

"Ok lang! Di naman yun ang habol ko kay Kith". Seryosong sabi ni Ray pero di ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya dahil sa usapan namin.

"Wow talaga! Love na talaga yan!". Sabi ni Dennis

umalis na kami papunta sa mga room namin at nag-ayos muna ng mga gamit pagkatapos pumunta na kami ni Ray sa may beach at naghaharutan kaming dalawa doon.

"Sobrang ganda ng lugar na to Ray". Sabi ko sa kanya habang nakalublob ang mga paa ko sa dagat.

"Oo nga pero ikaw ang mas lalong nagpapaganda dito". Nakangiting sagot sa akon ni Ray.

"Pero may alam akong lugar na mas maganda pa kesa dito". Sagot ko

"Ha? Saan naman yun?".

"Doon sa burol na pinuntahan natin nung first date nating dalawa". Sagot ko

"Talaga mas gusto mo dun?". Tanong ni Ray sa akin.

"Syempre naman! Doon mo ako unang dinala eh at mas maganda ang ambiance doon lalo na at kasama kita". Sabi ko

"Eh ikaw? Saan mo mas gusto?". Tanong ko kay Ray

"Sa puso mo". Sagot niya sakin

"Bumabanat ka na naman eh tinatanong kita ng maayos". Sabi ko

"Gusto ko kahit saan basta kasama ka" sabi ni Ray kaya naman kinilig talaga ako ng sobra-sobra.

"Hoy! Anong ginagawa nyo diyan?". Sigaw ni James sa likod namin kaya nagulat kami pareho

"Nakakagulat ka naman!". Sabi ko kay james habang nakahawak sa dibdib ko

"Panira ka ng moment!" Sigaw ni Ray

"Mamaya na kasing gabi kayo mag loving loving dyan! Samahan nyo kami doon banana boat". Sabi ni James kaya naman sumunod na kami sa kanya.

Ang saya sa banana boat at unang nahulog sa dagat si vincent sunod naman si James at peter pero bago mahulog si dennis hinatak niya si Ray kaya tawa kami ng tawa ni Kagura kasi kaming dalawa lang ang hindi nahulog...

"Ka-lalake nyong tao tapos ang hihina
nyo pa! Daig pa namin kayo". Natatawang sabi ni Kagura nung makabalik na kami sa sea shore

"Madulas kasi yung hawakan ko". Sabi ni Vincent

"Na out of balance lang ako!". Sabi ni James na parang naiinis

"Hinatak ako ni Dennis!" Sigaw ni Ray

"Wala kasi akong makapitan". Natatawang sabi ni Dennis

"Jusko! Puro kayo palusot hahahaha". Sabi ni Kagura at tumatawa siya ng sobrang lakas.

"Tama na yan! Baka mamaya marinig pa sa kabilang isla yung tawa mo". Sabi ko kay Kagura at tumigil na din siya sa kakatawa..

"Kain na nga tayo!" Sabi ni Peter

"Oo nga! Kanina pa ako nagugutom kaya na out of balance ako". Sabi ni James

At yun na nga... kumakain na kaming magkakaibigan at masasarap ang mga foods dito puro sea foods. Nagkamay kaming kumain kasi nakalagay sa dahon ng saging yung pagkain namin.

"First time ko magkamay kumain pero masarap pala". Sabi ni Kagura

"Oo nga at ang saya pa!" Sabi ni Peter

"Laki kasi kayo sa yaman!". Sabi ni Dennis na parang nang-aasar

"Oo nga! Di nyo tuloy na-enjoy ang life". Natatawang sabi ni Vincent

"Sorry na!". Sabi ni Ray

"Eh bakit si Kith marunong magkamay?". Tanong ni Peter

"Sabihin na lang natin na nung bata ako curious ako kaya nag-try ako". Sagot ko kasi nung bata ako nakita kong nagkakamay yung mga katulong namin kaya ginaya ko.

Di naman mahirap ang pamilya ni Vincent pero marunong siya makisalamuha sa ibang tao. Meron silang kaya sa buhay pero si Dennis mahirap lang sila pero matalino siya kaya full scholarship ang nakuha niya sa school namin.

Nakita ko na nahihirapan magbukas ng crab si Raypaul ko.
"Tulungan na nga kita diyan". Sabi ko sabay bukas ng crab niya.

"Thank you! Alam mo Kith favorite ko ang crab sa mga sea foods". Malambing na sabi ni Ray

"Favorite mo pala tapos di ka marunong magbukas". Sabi ni Kagura

napansin ko na di ginagalaw ni Ray yung pagkain niya.
"Ray? Bakit di kana kumakain?". Malambing kong tanong sa kanya

"Subuan mo ako ng crab please...". Malambing niyang sabi kaya sinubuan ko na siya at pagkatapos tuwang-tuwa siya na parang bata

"Ang sweet nyo naman!". Sabi ni peter

Pagkatapos ng masaya naming kainan eh tumambay na kami sa isang KTV room at medyo seryoso ang usapan namin ngayon habang naglalagay ng mga kanta...

"Matanong ko lang... gaano na kayo katagal naging magkakaibigan?". Tanong ko sa kanila..

"Actually simula 1st year highschool mag-kaclose na kaming lahat".. sabi ni Peter..

"Talaga! Ang tagal na pala! Buti di kayo nag-aaway niyan". Sabi ni Kagura..

"Nagkakapikunan din kami dati pero naayos naman kaagad dahil magaling mag-advice si dennis". Sabi ni Vincent

Sa kanilang lahat si Dennis ang pinaka-mabait, pinaka-matalino at pinaka-humble at pag-aaral ang laging inaatupag kaya yun ang lalong nagpapagwapo sa kanya...

"Eh paano naman kayo nag-kakilala?" Tanong ko sa kanila

"Oo nga! di nyo pa naki-kwento sa amin". Sabi ni Kagura

"Ganito kasi yun". Sabi ni Peter at nagsimula na siyang mag-kwento

"Nung first year highschool kami ang magkakatropa talaga si Vincent at Dennis kasi mag-bestfriend ang mga magulang nila kaya simula pagkabata naging mag-bestfriend na din sila tapos si Raypaul at James naman mag-pinsan kaya sila ang palaging magkasama at ako naman ang dakilang escort sa room".. kwento ni Peter

"Ako naman ang magki-kwento". Sabi ni Vincent..

"Nagsimula ang pagkakaibigan namin nung naging ka-partner ni Dennis si Peter sa isang project at ako naman ka-partner ko si James".. sabi ni vincent.

"So... loner pala si Raypaul?".. tanong ni Kagura..

"Hindi no! In fact si alexa ang partner niya nun sa project. Gusto mo ba kwento ko ang love story nila".. tanong sa akin ni James..

Medyo interesting na malaman ang naging relasyon ni Ray sa babaeng yun kaya gusto kong malaman
"Sige kwento mo!".. na-eexite kong pagkakasabi..

"Bat parang gustong-gusto mo alamin ang nakaraan ko doon?". Tanong sakin ni Ray..

"Na-curious lang ako noh".. sagot ko

"Sige kwento ko pero mamaya na".. sabi ni James..

"So yun nga! Naging magpartner kami at pinakilala ko si vincent kay Raypaul at pinakilala naman sakin ni vincent si Dennis pero naging magkaibigan pala si Dennis at Peter kaya naki-tropa siya sa amin. Pag magkasama kaming lima walang makakadaig sa amin... Nandiyan ang sobrang talino na si Dennis, pa-mysterious na si Vincent, playboy na ako, dancer na si Raypaul at ang ramp model na si Peter tapos tuwing papasok kami sa school eh pinag-titilian kaming lima"..

"ahhh Ganun pala yun..." sabi ni Kagura..

"Kayong dalawa lang yata ni Kith ang nakikipag-sabayan sa amin".. sabi ni Peter kay Kagura..

"Hmmm? Bakit naman?".. tanong ko

"Kasi halos malamangan mo na sa katalinuhan si Dennis at si Kagura naman ang dakilang terror president na di natatakot sa kahit sinong student at bonus pa ang looks nyo. Mukha kang anghel Kith at Dyosa naman si Kagura".. sabi ni Peter

"Wag mo kaming bolahin wala kaming piso dito".. sabi ni Kagura kaya natawa kaming lahat..

"Pero nag-away na din kaming lima at muntik ng mabuwag ang grupo namin".. sabi ni Ray

"Ano naman yun?".. tanong ko

Nagasalita si James at siya na daw ang magki-kwento.
"Naging ka-tropa namin si Alexa at siya lang ang babae sa amin. Nung 4th year mabait siya at na-inlove ako sa kanya kaya nililigawan ko siya. Pinaasa niya ako tapos nalaman ko na sila na pala ni Ray pagkatapos nun nag-away kami at nadamay na sila Vincent kaya di kami nag-papansinan buti na lang pinag-bati kami ni Dennis kaya mas lalong naging matibay ang pagkakaibigan namin".. mahabang sabi ni James

"Hanggang sa makilala namin si Terror Ms. President at ang may Angelic voice at face na si Kith".. nakangiting sabi ni Dennis

"Ganun pala yun".. sabi ko

"Buti nga natanggap nila na Bi ako at galit pa naman sa bakla si Raypaul sa tulong na din ng advice ni Dennis". Sabi ni Peter

"So ngayun alam nyo na.. kwento mo naman ang love story nyo ni Alexa". Sabi ni James kay Ray

"Ayoko nga! Past is past at nakakahiya naman kay Kith". Sabi ni Ray

"Kwento mo na! Gusto ko malaman!". Sabi ko na sobrang na-eexite kasi gusto ko talaga malaman ang story nilang dalawa..

"Sige na nga! Nagkagusto kasi sa akin si Alexa pero di ko siya type at mabait naman siya at ang totoo niyan siya pa ang nanligaw sa akin pero sa katagalan nagkagusto na rin ako sa kanya eh first girlfriend ko nga yun pero niloko niya ako at pinagpalit sa iba hanggang sa may taong nag-alaga sa akin at tumibok ng malakas ang puso ko nung una ko pa lang siya nakita at siya ang naging first love ko".. kwento ni Ray

"Nakaka-inis talaga yung babaeng yun sabi niya pag ginawan ko daw siya ng garden na puno ng flowers eh sasagutin na niya ako, minsan na nga lang main-love pinaasa pa bwisit talaga siya tapos niloko niya lang si Raypaul...Gago siya! BITCH! BITCH!" Nanggagalaiting sabi ni James....

"Tama na nga! Gabi na matulog na kayo at bumalik na kayo sa rooms nyo" sabi ni Kagura

"Oo nga at medyo inaantok na din ako" sabi ni Vincent

At yun na nga, bumalik na kami sa mga rooms namin at nagpahinga na kasi malalim na ang gabi at mag-eenjoy pa kami bukas ng umaga...

Kith POV

Ang saya talaga dito sa beach resort at kailangan na namin sulitin lahat ngayong araw kasi aalis na kami bukas pero mukhang marami ang dumating na tao ngayon at nagbakasyon din dito sa resort.... sa ngayon ay nag-breakfast muna kami sa parang resto sa loob ng resort

"Sayang naman at aalis na tayo bukas ng umaga dito".. sabi ni Vincent habang umiinom ng juice

"Oo nga! Pero pupunta pa ako sa japan ngayong bakasyon eh".. sabi ni Kagura

"Talaga? Sama ako".. sabi ni James

"Di pwede at baka ma-bored ka din doon kasi wala rin akong gagawin doon". Sabi ni Kagura

"Eh bakit ka pa pupunta?".. tanong ni Peter

"Kasi tuwing bakasyon talaga nasa Japan kami ni papa... ikaw Kith sama ka ba? kasi masyadong boring doon".. tanong ni Kagura sa akin

"Bakit siya pwede?".. sabat ni James

"Eh kasi for family lang yun at isa pa baka kung anong isipin ni papa pag ikaw ang sinama ko... ano Kith sasama ka ba?".. natanong uli ni Kagura..

"Kay Raypaul ka mag-paalam".. sagot ko sa kanya kaya tumingin si Kagura kay Raypaul..

"Kailangan kong pag-isipan kasi ayokong malayo si Kith"... seryosong sagot ni Raypaul

Pagkatapos noon mayroong mga babaeng dumaan sa harap namin at naka-swim suit lang sila kaya naman napatitig yung mga kaibigan ko pati si Raypaul pero di ko na lang pinansin yun...

"Grabe pare! Ang busty nila" sabi ni James

"Oo nga! At yung butt nila ang bouncy" sabi naman ni Vincent.

"Tapos hipon sila".. sabi ni Kagura kaya tumawa kaming lahat

"Ok lang yun atleast sexy sila".. sabi ni Raypaul na ikinabigla ko kaya parang nag echo sa tenga ko yung sinabi niya

Nasa kabilang table lang yung mga babaeng yun at nakita kong panay ang sulyap ni Raypaul kaya medyo naiinis ako at halos mabasag na yung baso sa sobrang higpit ng hawak ko pero ayokong makita ni Ray kung paano ako magalit kaya lang naiinis na talaga ako at di ko alam kung anong gagawin ko...

Raypaul POV

Habang kumakain kami ng almusal ay di ko maiwasan ang mapatingin sa mga chicks. Grabe ang sexy nila at sobrang hot nila kasi naka-swim suit lang sila sa kabilang table...

Sana lang di napapansin ni Kith ang pagsulyap ko kasi baka mamaya mainis sa akin yun at mabigyan uli ako ng Love Punishment hihihi....
Hanggang sa tumingin sa amin ni James ang dalawa sa mga chicks at nagtaas sila ng baso nila na parang nang-aalok kaya tinaas din namin ang baso namin at ngumiti na lang...

Shit!!!! nakalimutan ko!!!! Baka mag-selos si Kith. Patay na ako kapag nangyari yun pero pagtingin ko sa kanya eh sa ibang direksyon siya nakatingin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag...

"Anong plano niyo pagkatapos natin mag-almusal?". Tanong ni Dennis

"Sasakay ako sa jet ski".. sagot ni Peter

"Maggagala ako sa sea side" sabi naman ni Kagura

"Mamayang gabi may fire dancing daw at isasama ko kayo manood" sabi ni James

"Ikaw Kith saan mo gusto pumunta? Nood tayo ng fire dancing ha?".. tanong ko kay Kith

"Sige lang". Matipid at matamlay niyang sagot na parang may mali pero di ko na masyadong pinansin

Nabigla ako at tumitig sa akin yung isang chick sa kabilang table at nag-flying kiss kaya ngumiti na lang ako at pagkatapos nun ay kinindatan niya ako at sumisenyas na lumapit sa kanila kaya napaturo ako sa sarili ko kung ako ba talaga yung gusto nilang makasama at tumango naman siya...

"Sige lang babaliin ko ang leeg niyo".

Galit na sabi ni Kith kaya napatingin ako sa kanya at nakakatakot ang mga mata niya na parang umaapoy pagkatapos ay bigla siyang tumayo at naglakad paalis kaya sinundan ko siya pero paglabas ko ng resto eh nawala na siya... hinanap ko siya sa kung saan saan pero di ko talaga siya makita kaya bumalik muna ako sa resto

"Kagura? Alam mo ba kung saan pwedeng pumunta si Kith?".. tanong ko sa kanya

"Aba malay ko! Ikaw tong humabol sa kanya tapos tatanungin mo ako".. sabi ni Kagura na parang walang pakialam

"Tsk tsk tsk Lagot ka!". Sabi ni Dennis na naka pointing finger pa

"Ikaw pa naman tong seloso tapos ikaw pa ang lumalandi".. sabi ni Vincent..

"Alam kong mali ako! Di ko naman sinasadya kaya nga gusto kong magpaliwanag at mag-sorry".. sabi ko

"Sa harap pa niya mismo... iba magalit yung taong yun kaya sinasabi ko wag mo siyang sagarin".. nagbabantang sabi ni Kagura

Ilang beses ko tinawagan si Kith pero di talaga siya sumasagot. Pumunta ako sa room namin at nandun ang phone niya pero wala siya at kung saan saan na ako naghanap na parang tanga pero di ko talaga siya makita. Nasaan na kaya yun? medyo nag-aalala na ako at unti-unti nang nababadtrip ang araw ko na to....

"Raypaul! Kanina ka pa naka-busangot diyan". Sabi ni James

"Nakaka-inis kasi di man lang siya nagpakita. Gusto kong magpaliwanag sa kanya".. sagot ko

"Baka nakakalimutan mo! eh kung si Kith kaya ang gumawa nun sayo?".. sabi ni Kagura

"Alam ko naman yun pero mukha na akong tanga kakahanap sa kanya at nag-aalala na ako".. naiinis kong sagot

"Sige lang Raypaul! Pag pinagpatuloy mo yang attitude mo baka lalong mainis sayo si Kith".. sabi ni Peter

"Oo na! Alam kong dapat intindihin ko rin siya".. sagot ko

"Tsk. Tsk. Tsk.". Yun na lang ang sinabi ni Dennis at nakatitig siya sa akin

Natapos na lang kami mag-lunch at dinner pero di ko pa rin siya makita hanggang sa nanood na kami ng fire dancing pero parang wala na akong gana kasi nag-aalala na talaga ako kay Kith pero lumapit sa akin yung babae kanina sa resto

"I'm Jenny can you escort me tonight?". Tanong niya kaya naman nainis ako kasi alam kong siya ang dahilan kaya nagtatampo si Kith

"I'm not interested" yun na lang ang nasagot ko

"Talaga? Kanina lang may pa ngiti-ngiti ka pa sa akin sa resto". Sabi niya

"Again I'm not interested!" Madiin kong pagkakasabi

"You're so RUDE!!!". Sabi niya sabay irap at umalis na siya.. kaya naka-hinga na ako ng maluwag

"Dapat talaga di ko na pinapansin yung mga ganung tao".. bulong ko sa sarili ko

Inis na inis na ako at may halong pag-aalala pero gabi na at di ko pa rin siya mahanap kaya minabuti namin na bumalik na sa mga rooms namin at pagpasok ko sa room eh nakita ko si Kith na mukhang kanina pa nag-aantay...

Nakatayo lang siya at naka-cross arms pa, iba ang aura niya ngayon hindi siya kagaya ng sweet na Kith at malambing. Nakikita ko na parang kaya niya lumamon ng tao ngayong gabi...

"Saan ka ba pumunta? kanina pa ako nag-hahanap sayo" tanong ko sa kanya

"Nakipag-landian lang ako".. mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang galit niya

"Kanino?!!!" Malakas kong tanong kasi kilala nyo naman ako. Seloso akong tao. Mapapatay ko talaga yung lumalandi kay Kith habang wala ako.

"Tingin mo talaga gagawin ko din yung ginawa mo? Tulad mo ko sayo!". Sabi ni Kith na naiinis..

Sa sinabi niyang yun nalinawan na ako. Tama di niya ako kayang lokohin kasi ako lang ang gusto niya.
"Sorry na...". Mahinahon kong sabi

"Sorry ka diyan!".. sabi niya

"Please lang... kanina pa nga kita hinahanap at mukha na akong tanga tapos di mo pa ako papatawarin"..

"So... kasalanan ko kaya naiinis ka".. sabi ni Kith

Mukhang nag-iiba ang ugali ni Kith baka mag-away lang kami...
"Nag-aalala din naman ako sayo" yun na lang ang nasabi ko

"Uulitin mo pa?" Tanong niya

"Hayaan mo na kasi akong magpaliwanag... ikaw lang ang ma...". Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako

"Di ko kailangan ng paliwanag mo! Kitang-kita ko lahat! Ngayon tinatanong kita kung uulitin mo pa!". malakas na sabi ni Kith na halatang galit na siya kaya kinikilabutan ako.

"Syempre hindi na".. mahina kong sabi

"Kung titigan mo siya parang naka-hubad na siya sa isip mo!".. sabi niya

"Hinding-hindi ko na yun uulitin... parang awa mo na... patawarin mo na ako". Naiiyak kong sabi..

"Doon ako kay Kagura matutulog".. sabi niya at lumabas na siya ng pinto

Ayokong matapos ang gabi na to na hindi kami nag-kakaayos kaya hinabol ko siya pero masyado siyang mabilis. Hingal na hingal na ako kakatakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto ni Kagura

"Kith naman! Please lumabas ka diyan mag-usap tayong dalawa".. sigaw ko habang kinakatok ang pintuan

"Ano ba ang ingay mo!". Sabi ni Kagura nung binuksan niya ang pinto

"Kakausapin ko lang si Kith".. sabi ko

"Bukas na lang! Galit siya sayo!". Sabi ni Kagura.

Nagpumilit akong pumasok sa room niya at nakita ko si Kith kaya kina-usap ko na siya...

"Kith naman please... ayokong matulog na alam kong may sama ka ng loob sa akin".. sabi ko

"Lumabas ka nga dito!".. sigaw ni Kith

"Sige aalis na ako... pero isasama kita" nabigla si Kith kasi binuhat ko siya bigla at nilabas sa room

"Ano ba! Ibaba mo ako!".. sigaw niya

Di ko siya pinakinggan hanggang sa makapasok kami sa room namin at binaba ko na siya st humarang ako sa pinto para di siya makalabas...

"Ano bang gusto mong pag-usapan?". Naiinis niyang tanong sakin

"Please... forgive me... gagawin ko lahat ng gusto mo".. sabi ko

"Gusto kong lumabas!". Sabi ni Kith at nagpupumilit siyang lumabas ng pinto.

"Di kita palalabasin! dito ka lang!"..

"Nakakainis ka talaga! Palabasin mo na ako!". Sabi niya.

Nanlalaban siya kaya wala na akong ma-isip gawin... niyakap ko na lang siya ng mahigpit para di siya makagalaw...

"Ano ba!".. naiiyak niyang sabi

Nakayakap pa rin ako sa kanya at...

"Sorry na... ayokong na-iinis ka at ayokong nagtatampo ka at alam ko na mali yung ginawa ko. Hinding-hindi ko naman na yun uulitin... ikaw lang ang mahal ko kaya patawarin mo na ako please naman....".. sabi ko habang nakayakap sa kanya.. di na rin siya pumapalag pero naramdaman ko na tumulo na ang luha ko sa mata

"Basta wag ka ng uulit".. sabi ni Kith

Sa sinabi niyang yun napatitig ako sa mga mata niya pero di siya tumingin sa akin...

"Talaga? Pinapatawad mo na ako?". Seryoso kong tanong sa kanya

Niyakap ko siya ulit at...
"Promise hinding-hindi na mauulit".. sincere kong pagkakasabi pero tinulak niya ako

"Naiinis pa rin ako sayo! Pero di talaga kita matiis nakakinis ka!" Sabi ni Kith pero nakatingin lang siya sa gilid niya

"Edi liligawan kita uli...". Sabi ko

Nabigla ako ng bigla niya akong kurutin sa singit kaya napaatras ako.
"Matulog na nga tayo!". Sabi niya

Humiga na kami sa kama at tinanong ko uli siya.

"Galit ka pa ba?".

"Hindi na!".. naiinis niyang sagot

"Galit ka pa kaya! ano bang pwede kong gawin para mawala yang galit mo sakin?".. tanong ko

habang nakahiga kami sa kama eh pinag-kukurot niya ako sa singit...

"Nakaka-inis ka kasi!". Sabi niya habang kinukurot ang singit ko.

"Tama na please!".. natatawa kong sigaw pero kinukurot niya pa din ako sa singit.

"Eto lang ang paraan para di na ako mainis sayo!"..

Nanghihina na ako sa kakatawa pero kurot pa din siya ng kurot sa singit ko at unti-unti ng nag-iinit ang katawan ko kasi natatamaan niya ang ano ko...

Buti na lang tumigil na siya pero nabigla ako dahil niyakap na lang niya ako...

"Ayoko lang naman na mawala ka sakin at ipag-palit mo ako sa iba".. bulong niya sa tenga ko

"Sorry na... di ko naman gagawin yun sayo kahit na anong mangyari".. seryoso kong sagot sa kanya.

"Tulog na nga tayo!".. sabi niya

"Kaso parang nag-enjoy ka pa yata sa pag-kurot ko sa singit mo!".. sabi niya kaya di ko maiwasan ang mamula

"Good night na!".. sabi ko sabay pikit ng mga mata.

Mabuti na lang at pinatawad na niya ako kasi ayoko talaga siyang nasasaktan lalo pa kung dahil sakin hindi ko matatanggap yun...

Natulog siya sa dibdib ko ngayong gabi.. pero saan kaya siya pumunta nung nawala siya kanina?

Raypaul POV

Nasa biyahe na kami pauwi. Ang balita ko aalis daw si Kagura papuntang japan at dun niya tatapusin ang buong bakasyon pero si Peter naman may family outing daw, si Vincent naman di na sumama pauwi kasi may bahay daw sila na malapit dun sa resort dapat nga pupunta kami pero gusto na talagang umuwi ni Peter at Kagura.

Katabi ko ngayon si Kith sa van at nasa may bintana siya, nakatingin lang siya sa labas at mukhang malalim ang iniisip.

"Psssttt!!! Lalabs? Bakit mukhang malalim ang iniisip mo?". Tanong ko

"Hmmm... tingin mo bakit?". Tanong niya sa akin na mukhang seryoso.

"Naiinis ka pa rin ba?". Mahinahon kong tanong.

"Hindi naman... may iniisip lang ako". Sagot ni Kith sa akin

"Ano yun?". Malambing kong tanong

Matagal bago siya sumagot at nakatitig lang siya sa mga mata ko
"Thank you... at sorry..". Malambing niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit? Eh di ba ako ang may kasalanan sayo?". Tanong ko kasi nakakapagtaka yung sinabi niya.

"Thank you kasi nung di ako nagpakita sayo, di ka gumawa ng kalokohan". Sagot niya

"Syempre naman! Di na uli ako gagawa ng bagay na ikaka-selos mo". Malambing kong sagot kay Kith

"Sorry sa naging ugali ko... masyado akong nainis".. malambing niyang sabi sa akin

"Wag ka na mag-sorry kasi ako naman ang may kasalanan kaya nainis ka at kung magkapalit tayo ng sitwasyon malamang ganun din ang gagawin ko" paliwanag ko kay Kith..

"Siguro naman di na yun mauulit". seryosong sabi ni Kith

"Syempre naman!".. malakas kong sagot sa kanya.

"Matanong lang kita, saan ka ba pumunta nung nawala ka?". Tanong ko sa kanya.

"Hahahahaha!!!!".. nagulat ako kasi kanina lang seryoso siya tapos nung tinanong ko biglang tumawa.

"Ang totoo binantayan lang kita". Natatawa niyang sabi.

"Ano??? Eh bakit di kita makita?".. nagdududa kong tanong.

"Basta kung nasaan ka nandun din ako... nakikita ko yung pinaggagawa mo kaso nagtatago lang ako"..   natatawa niyang sabi sa akin

"Talaga lang ah?".. tanong ko habang naka-cross arms

"Oo Ray! Napansin ko kaya si Kith nung nanuod tayo ng fire dance". Sabi ni Dennis na nasa likod namin.

"Huh???? Eh bakit di mo sinabi???". Naiinis kong tanong.

"Halata naman kasing binabantayan ka lang ni Kith". Sabi ni Dennis

"Ray... nakita ko din kung paano mo kinausap yung babae... ganito pa nga yung pagkakasabi mo.... ehem...
I'm not INTERESTED".. natatawang sabi ni Kith pero medyo naiinis na ako.

"Mukha na akong tanga kakahanap sayo tapos pinagtatawanan mo pa talaga ako!". Naiinis kong sabi

"Wag ka na mainis kasi... KASALANAN MO YUN!!!". Sabi ni Kith habang niyayakap ako.. pero di ko siya kinikibo nakakainis kasi.

"Hala ka Kith!!! Nagtatampo na si Raypaul".. sabi ni James

"Iba din kasi yung trip mo Kith, mangiyak-ngiyak na nga si Raypaul kakahanap sayo tapos di ka manlang nagpakita". Sabi ni Peter kay Kith

Lalong humigpit yung yakap ni Kith sa bewang ko pero naka-cross arms pa din ako at di ko siya kinikibo
"Sorry na mahal ko". Malambing niyang sabi sa akin pero di ko siya tinitingnan.

"Galit ka???". Sabi niya at bigla na siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at humarap sa bintana. Mukhang nagtatampo.

"Luh siya! LQ uli yan!".Sigaw ni James

Naku baka mamaya magtampo na naman si Kith eh ang hirap pa naman niya suyuin.

Niyakap ko na siya para di siya magtampo.
"Di ako galit". Malambing kong sabi

"Talaga lang?". Nagdududa niyang tanong habang nakatingin sa bintana

"Gusto ko lang na lambingin mo ako". Malambing kong sabi habang nakayakap sa kanya

"Ah ganun pala!".

Bigla niyang sinundot yung giliran ko dahilan para makalas ang pagkakayakap ko sa kanya
"Uy!!! Para saan yun?". Tanong ko

"Sabi mo gusto mong lambingin kita". nakangiti niyang sabi

"Uy wag na! Joke lang naman yun". Sabi ko.

"Hoy!!! Mahiya nga kayong dalawa. Wag kayo magharutan dito! Di ako makatulog!!!". Sigaw ni Kagura

Nagtinginan na lang kami ni Kith at sabay kaming ngumiti.
"I love you". Nagulat ako dahil sabay naming sinabi yon habang nakatingin sa mga mata ng isa't-isa.

Nagtawanan na lang kami ng sabay

"Sssshhhhhhh!!!!!". Sabi ni Kagura kaya tumahimik na lang kami pareho

Ilang minuto din kaming natahimik dalawa pero napansin ko na tulog na si Kagura, Dennis at si Peter pero si James nakikinig lang sa music. Pwede ko na uling kulitin si Kith kasi gising pa siya.

"Pssssttt!! Lalabs". Bulong ko sa kanya.

"Ano? Baka magising yung mga natutulog". Mahina niyang sabi.

"Gusto ko makipagkulitan sayo eh". Nakangiti pero mahina kong sabi.

"Kahit kelan childish ka talaga". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sorry naman!". Sagot ko

"Anong sorry? Eh isa yan sa nagustuhan ko sayo".. sagot niya at di ko maiwasan ang mapangiti.

Totoo ba na kahit pagiging childish ko gusto rin ni Kith? Di ko na tinanong sa kanya pero ang saya ko pa din

"Ano pa bang nagustuhan mo sakin?". Tanong ko sa kanya.

"Di ko alam eh! Ang kulit mo kasi!". Nakangiti niyang sabi.
"Eh ikaw? Anong nagustuhan mo sakin?".. tanong pa niya

"Di ko rin alam! Basta mahal kita". Seryoso kong sagot at napansin ko na namula siya.
"Nagba-blush ka pa din eh iyong-iyo na nga ako". Sabi ko pero lalo lang siya namula.

"Anong pinaka-gusto mo sa part ng katawan ko?". Tanong niya, ngayon lang siya nagtanong ng ganito kaya napa-isip ako. Tinitigan ko siya sa mata, ilong, labi at kung saan-saan hanggang sa naisip ko na kung ano ang isasagot ko.

Tumingin ako sa baba niya kasi naka-shorts lang siya pero hanggang tuhod.
"mukha kang anghel pero gusto ko yung legs mo". Sabi ko habang naka-lip bite pa.

"Pervert!!!!".. sigaw niya

"Eh ikaw anong part ng katawan ko ang pinaka-gusto mo?". Tanong ko pero bigla siyang natameme at lalo lang siyang namula.

"Wag mo sabihin na yung singit ko! Kasi lagi mo akong kinukurot dun". Sabi ko sa kanya

"Hoy hindi noh!". Sagot niya

"Eh ano? Diba bawal magsinungaling?". Sabi ko sa kanya

"Ano kasi...".. sabi niya na parang bata

"Ano? Sumagot ka na". Sabi ko

"Yung ano... yung abs mo".. mahina niyang sabi. Nanlaki yung mata ko kasi di ako makapaniwala. Nakita na nga pala niya yung abs ko nung nasa bahay kami nila Mom and Dad.

Tinaas ko yung shirt ko para makita niya yung abs ko pero bigla siyang napatakip sa mukha niya.
"Ano? Diba sabi mo gusto mo yung abs ko?". Natatawa kong tanong

"Oo nga! Pero di ko naman sinabi na ipakita mo!". Sagot niya

"Kanina lang tinatawag mo akong pervert tapos ngayon ikaw tsk tsk".. natatawa kong sabi sa kanya.

"Tama na nga! Matulog ka muna". nahihiya niyang sabi.

"Patingin naman ako ng legs mo!". Sabi ko habang tinataas yung shorts niya pero lumayo siya bigla.

"Ano ba? Ang kulit mo!". Naiinis niyang sabi pero natatawa lang ako kasi masyado siyang conservative.

"Dali! Hawakan mo na yung abs ko kasi pagmamay-ari mo naman to". Sabi ko sa kanya.

"Tumigil ka na nga!". Sagot niya

"Pahawak din sa legs mo, akin lang ba yan?". Tanong ko sabay nguso sa hita niya.

"Nababaliw ka na!". Sigaw niya

"Ano ba yun? Ang ingay nyo!!!" Sabi ni Peter habang nakapikit yung mga mata niya.

"Ang cute mo talaga! Lalo na kapag naiinis ka". Sabi ko sabay pisil sa pisngi ni Kith.

"Tumahimik ka na kasi! Baka mainis na sila Peter". Sabi ni Kith at napatingin kami kay Peter na humihikab lang at kinukusot ang mata.

"Kain na lang tayo". Mahina kong sabi habang binubuksan ang box ng cupcake.

"Ayoko muna, busog pa ako". sagot niya sa akin.

"Sige na! Susubuan kita... say ah!". Sabi ko habang nilalapit sa mukha niya ang cupcake.

Umiling lang siya at parang ayaw niya
"Busog pa ako!". Sabi niya sakin.

"Kakainin mo tong cupcake o ikaw ang kakainin ko!".. seryoso kong sabi at bigla naman niyang kinagat yung cupcake.

"Subuan mo din ako please...". Nagpapa-awa kong sabi.

Kumuha din siya ng cupcake sa box at sinubo sa akin pero sumayad yung icing sa ilong ko. Pinunasan ko yung ilong ko pero...

"Anu bayan! Kumalat lang". Sabi ni Kith at pinunasan niya yung ilong ko gamit ang daliri niya at pagkatapos nun sinubo niya yung daliri niya na may icing...

"Masarap?". Tanong ko at tumango lang siya sa akin.

"Are you seducing me?". pabulong kong tanong sa kanya.

"No! I'm not!".. sigaw niya

Nakaisip tuloy ako ng paraan... nilagyan ko siya ng icing sa pisngi niya sa may bandang labi. Pinunasan niya ng tissue pero may natira pa...

"Kith may icing ka pa sa pisngi...". Sabi ko

Pinunasan niya pero may natira pa kasi madami yung nalagay ko.
"Ako na lang magpupunas".. sabi ko

Binigay niya sa akin yung tissue pero binuksan ko yung bintana ng van at binato ko hahahahah

"Hoy ano ba? Anong ipangpupunas mo niyan?".. tanong niya

Lumapit ako sa kanya at dinilaan ko yung mukha niya na may icing sa may bandang labi at pisngi. Nanlaki yung mata niya sa ginawa ko at naka-tulala lang siya.

"Ang sarap mo!". Sabi ko sa kanya

"Yuck!!! Ang baboy niyo!!!". Sigaw ni Kagura na halatang nandidiri..

"Mag motel na kasi kayo".. sabi ni James na kanina pa pala gising

Hindi na nagsasalita si Kith at halata na hiyang-hiya siya sa ginawa ko pero natatawa lang ako...
Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti pero di siya makatingin sakin at namumula na siya

"Ano? Musta ka diyan?". Tanong ko kay Kith

"Alam mo Ray... minsan di ko alam kung mahal mo ako o malibog ka lang talaga".. sabi niya habang namumula

Natatawa lang ako sa sinabi niya
"Syempre mahal kita... at ikaw ang dahilan kaya malibog ako".. sagot ko pero di na siya umimik pa.

Nakauwi na kaming lahat at hinatid ko muna si Kith sa condo niya...
Nung naka-uwi na ako sa apartment ko biglang nag-ring yung phone ko...
Si Dad pala ang tumatawag...

"Anak may masamang balita!". Sabi ni Dad na basag ang boses..

"Ano po yun Dad?".. kinakabahan kong tanong sa kanya..

"Nakalaya na siya sa kulungan! May tumulong sa kanya na makalabas". Sabi ni Dad sa kabilang linya.

Natahimik ako nung sandaling yun at bigla akong nakaramdam ng takot dahil dun bigla na lang nanginig ang buong katawan ko at naalala ko ang nangyari nung 13 pa lang ako...

Itutuloy............

No comments:

Post a Comment

Read More Like This